jump to navigation

JUDAY, TAPOS NA ANG CAREER? June 19, 2008

Posted by chickaminute in Uncategorized.
Tags: , , , , , , , ,
trackback

                   Sa gitna ng mainit na balitaktakan tungkol sa lumalalang problema sa MERALCO, aba’y akalain ninyong nagulantang ang buong REPUBLIKA NG SHOWBIZ ng makialam sa isyung ito si JUDY ANN SANTOS. Naglabas kasi ang MERALCO ng mga ADVERTISEMENTS na ipinagtatanggol ang kanilang kompanya, at si JUDAY ang front ng mga nasabing commercial. Nakakagulat dahil hindi umano alam ni ALFIE LORENZO, ang manager ni Juday, ang paggawa nito ng nasabing commercial.

                    Marami tuloy ang nagsasabing basta’t pagkakaperahan ay papasukin ni Juday kahit na manloko ng Sambayanang Pilipino. Nakatikim tuloy ang dalaga ng mga banta mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan na i-ban ang lahat ng mga produktong iniendorso niya. At hindi lang iyon, hindi na rin umano dapat suportahan ang lahat ng mga proyekto ng mahusay na aktres.

                    Sa kasalukuyan ay nasa Europe si Juday para sa ilang series of shows. Nagulat umano ang dalaga sa matinding feedback na inabot niya sa paggawa ng 20M worth na patalastas. At sa pamamagitan ng kanyang Kuya na si Jeffrey Santos, naibahagi sa amin ang text message na galing mismo kay Juday;

           ” I am so sad with what happened. Hindi ko akalaing magiging ganito. I would explain to the public ‘pag bumalik na ako. Magulo pa ang isip ko ngayon..

                    Nakakatakot talaga ang pinasok na ito ng dalaga, at dapat na tanggapin niya ang mga consequences nito. Marami tuloy ang nagtatanong, “ITO NA BA ANG KATAPUSAN NG CAREER NI JUDAY?”

NARITO ANG COMMERCIAL NA GINAWA NG AKTRES NA NAGSILBING MITSA NG KANYANG MAGANDANG CAREER….

Comments»

1. eric - June 23, 2008

dapat lng i ban yang c juday para maturuan ng leksyon sa pinasok nya. ayaw ko n sa kanya sampu ng pamilyo ko!

2. au - July 5, 2008

there was nothing wrong with it.its self explanatory.

3. jhet baptista - July 23, 2008

that means malakas si juday… kanya kanyang interpretasyon lang yan.

4. josh - August 24, 2008

everybody has their own opinion, kasi ako yun din ang paniwala ko. and i like the way juday explained her interpretation.

5. lyn21 - September 9, 2008

nothing is wrong of what she did…sikat lang talaga sya kaya siya ang kinuha ng MERALCO…kahit sino naman cigurong artista, tatanggapin talaga ang ganyan kalaking offer.. and besides what she said in the advertisements is just for public information..Juday has nothing to explain to the public..

6. kapusoy - October 12, 2008

for sure, lahat ng nangyayari kay Judai ay dahil sa DOM niyang MANAGER na walang inatupag kundi manira ng Kapamilya stars at network… Sayang ka Judai, nakakaturn-off yung MANAGER mo…
MALAKING DUMI SI ALFIE LORENZO SA SHOWBIZ!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: