jump to navigation

PATRICK GARCIA, LUMIPAD SA U.S! June 17, 2008

Posted by chickaminute in Uncategorized.
Tags: , , , ,
trackback

               Kahapon ay tuluyan ng tinakasan ng sikat na young actor na si Patrick Garcia ang kanyang responsibilidad sa magiging anak nila ng ex-girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.  Matagal na naman silang hiwalay ng young actress subalit umugong pa rin ang pagtututol ng mga fans dahil tila walang pakialam si Patrick para sa magiging baby nila.

               Ayon sa isang interview kahapon bago siya tuluyang lumipad ng Amerika, matagal na umanong binabalak ng binata na umalis subalit hinintay pa niyang matapos ang taping ng teleseryeng “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”. Ipagpapatuloy umano ni Patrick ang kanyang pag-aaral ng directing sa University of New York. Wala naman umanong balak takbuhan ni Patrick ang responsibilidad niya sa pagiging ama. Nagkataon lang umano ang kanyang pag-alis sa napapalapit ng panganganak ni Jennylyn. Napag-usapan na rin naman nila ang sustento  para sa bata.

               Masaya naman si Jennylyn sa kabila ng mga pinagdadaanan nila ngayon ni Patrick. Excited na nga ang dalaga sa pagdating ng kanyang baby boy na hindi pa tiyak ang magiging pangalan. Sa mga nangyaring ito sa buhay ng dalaga, tiyak na maraming bagay ang kanyang natutunan.

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: