jump to navigation

REGINE AND OGIE, LALAGAY NA SA TAHIMIK?? June 15, 2008

Posted by chickaminute in Uncategorized.
Tags: , , , , ,
trackback

   Kamakailan ay umugong ang bali-balitang ikakasal na daw itong sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ipinasya umanong gawin ng dalawa ang kanilang kasal sa taong ito sa buwan ng Disyembre. Marahil ay hindi na nakakagulat ang balitang ito sa mga fans dahil sa napakaraming trials and struggles ng dalawa ay inaasahan naman ng lahat na happy ending din ang kanilang uuwian.

                    Samantala, wala naman daw problema sa dating asawa ni Ogie na si Michelle ang planong pagpapakasal ng magkasintahan. Ever since naman daw ay buo ang kanyang suporta sa dalawang singer. Ayon sa isang interview kay Michelle, papayag pa nga daw siyang maging Maid of Honor ng dalawa sa kanilang kasal. Nakakatuwang isipin na ang mga artista talaga, daig pa ang pelikula sa kanilang totoong buhay. Biruin nyo, ang dating asawa, papayag na maging Maid of Honor? Gosh!

                    Pero teka mga friends, gaano naman katotoo ang balita na may problema daw si Regine sa pagbubuntis? Meaning, BAOG siya! Paano na yan! Maganda sana kung magkaka-anak sila ni Ogie dahil siguradong magiging mahuhusay ding singer ang mga bata. Pero, sure naman tayong walang diprensya si Ogie dahil nagkaroon sila ng mga chikiting ni Michelle. Siguradong malulungkot ang mga fans kapag tuluyan nang ibinulgar ng dalawa na never silang magkaka-baby. How sad!

                    Anyway, sure na daw na si Janno Gibbs ang magiging best man sakaling matuloy ang binabalak ng kasal. Kaabang-abang din daw kung sino ang gagawing wedding singer na balita namin ay mga foreign artists pa. Siguradong ang ALCASID-VELASQUEZ WEDDING ang itatanghal na pinaka-bonggang kasalan sa taong ito.

                    Sana lang, hindi matulad ang dalawa sa maraming artista na pagkatapos ng magarbong kasalan ay maghihiwalay din after a couple of months. Kaya sa ga fans nina Ogie at Regine, let us pray na maging happy sila ever after!

Comments»

1. fau rafili - June 16, 2008

can i attend??? haha..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: